Tuesday, March 10, 2009

YOSI: DALAWANG PISONG KAMATAYAN
Isa itong halimbawa ng balbal na salita. Isang balbal na salita na tumutukoy sa isang bagay na kapag sinindihan ay naglalabas ng usok. Usok na para sa iba, ay nagbibigay ng ibat ibang klase ng pakiramdam. Isa itong bagay na pambisyo. Ginagamit ito sa ibat ibang bagay. Mayroong ibat ibang gamit dito, pantanggal ng pagod, pantanggal ng antok, pampakalma, panandaliang pang alis ng problema, pampababa ng kinain kung ikaw ay busog o di kaya’y pampadumi. Hay, YOSI… Maliit man kung ituring, ngunit wag ka…Ito’y nagbibigay ng ibat ibang pakiramdam sa ibat ibang klase ng tao.
Sa bawat usok na inilalabas nito, kasabay sa paghinga at pagbuga ng mga bunganga ng tao, kakambal nito ay ibat ibang kahulugan. Ibat ibang salita na kung iisipin ay maaaring mga salita na naglalaman at naglalarawan ng ibat ibang istorya sa buhay ng tao. Tila ba isang kaybigan na andiyan para tumulong/dumamay na andyan lang sa bawat pamilihan, kalsada, eskenita, tenga, bulsa at sa ibat-ibang lugar dito sa mundong ating ginagalawan. Parte na ng lipunan, parte na ng mundong ating ginagalawan. Kaybigan nga ba? YOSI, kilala din sa salitang sigarilyo, pausok o para sa akin ay DALAWANG PISONG KAMATAYAN. Tila ba ito’y isang mitsa na kapag sinindihan ay dahan dahang binabawasan o inuubos ang buhay ng isang tao. Ilang hithit, ilang buga. Ganun lang kadali, ganun lang kadaling lustayin ang mga nalalabi nating sandali dito sa mundo. Sa bawat usok na nilalabas natin, sa bawat upos na tinataktak natin, sa bawat dalawang piso! binibili natin ang ating kamatayan. GANUN GADALI, GANUN KAMURA. Ilang hithit, ilang buga, hithit pa! buga pa! hithit pa! buga pa!!! hithit hithit hithit hithit hithit…wala ng BUGA! Wala ng HININGA..=(

Malaya tayo, kasama sa kalayaan na ito ay ang kakayahan para pumili ng mga bagay na gusto natin gawin. Mga bagay na sa tingin natin ay may kakayahang magpaligaya at magpakontento sa atin. Ngunit tandaan lang natin na lahat ng desisyon na ating ginagawa, ay mayroong kapalit. Pwedeng maganda, pwedeng hindi…^_^

3 comments:

  1. Mahusay ang pagpapaliwanag sa katuturan ng salita. 96%

    ReplyDelete
  2. I'm Sonja McDonell, lesbian, 23, Swiss Airlines Stewardess with 13 oversea towns, very tender & with much fantasies in emergency cases in my wonderful job. Oh yes, lesbian relations are an established part in the worldwide society since the early 1900. We've some cells in our brains in a young age, wich so called normal girls don't have. These cells become active during the early puberty, mostly with 10-12 years old. They can never be erased & it's important to keep them active. There're many natural products, which activate our sensibles body parts. Can we discuss our desires & experiences?
    Regards
    Sonja in sonjamcdonell@yahoo.com

    ReplyDelete