Tuesday, March 10, 2009

KABUGAN

Ang Teatro Tomasino ay naghandog ng dalawang Dula para mapakita ang ilang kaganapan sa buhay ng tao. Realidad ang ipinakita ng dalawang dulang ito."Kabugan", nagpasiklaban o nagpagandahan ang dalawang dula na “Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon” at “Anino”.“Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon”
“Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon”
Ang unang dula na tungkol sa pagtatagpo ni Babae at Lalaki sa pasyalan- zoo at ang pagiging malapit na pagkakaibigan nila. Ngunit ang lalake ay may selosang asawa na laging nangunguha ng pera at nagpapaulan ng bala. Lumipas ang madaming pagtatagpo sa zoo ay nahulog na ang loob ng babae sa lalaki ngunit napagtanto nila na totoo nga na may asawa nga ito. Natapos ang dula ng walang nakuhang sagot ang babae sa lalaki ukol sa estado ng kanilang relasyon. Nakakainis ang nasabing katapusan.
“Anino”
Ito naman ang pangalawang dula. Ang istorya ng dula ay tungkol kay Luna, isang matandang dalaga na nakahanap ng asawa at namuhay ng tahimik hanggang sa maging kalaguyo niya si Maryo, ang anak ng kanyang asawa. Ang pagtataksil ng dalawa ang nagbunga ng pagpatay ni Maryo sa kanyang ama na kanya naman itinago ng mahabang panahon. Habang si Luna naman ay nangangamba sa totoong nangyari sa pagkamatay ng kanyang asawa, siya ay napalibutan ng kamalasan. Hindi nagtagal nalaman ni Luna ang tunay na pangyayari at binawian niya ng buhay si Maryo.
Sa aking sariling opinyon, Hindi ganbun kaganda ang Dula. Ang unang dula ay kulang sa kahulugan ang kwento at hindi masyadong naihatid ang mensahe ng istorya. Hindi malinaw ang pinaparating nito sa manonood at ang bawat eksena ay kalimot limot.


Kung titignan naman ang pagganap ng mga tauhan, maayos naman ang pag arte ng mga karakter at ang setting ay mukang pinaghandaan. Ang pangalawa naman ay maayos ang premis ng istorya ngunit hindi nila naakit ang manonood ng husto. Maganda ang effects at setting nito, ngunit hindi ko makitaan ng koneksyon ang dalawang dula. Nagbibigay din kasi ng dagdag interes sa mga manonood kung ang kanilang pinapanood ay may koneksyon dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng dahilan para tutukan ang mga kahihinatnan ng istorya.

1 comment: