Tuesday, March 10, 2009

PAPER: VALENTINE ROMANCE

Not Just Anyone
-Althea Amor

Sinopsis:

“Ang pagmamahal ay nasa tamang panahon at tamang tao” sabi ni Wesley pagkatapos ng pakikipagrelasyon niya sa tatlong babaeng minahal niya na sina Mae, Denice at Ricci.

Nasa ikalawang taon na si Wesley sa kursong Mass Communication. Hindi siya makapag-focus sa kanyang pagaaral. Lumilipad ang isip niya at pilit binabalikan ang insidenteng nangyari sa kanyang third girlfriend na si Ricci. Sa tatlong nakarelasyon niya, lagi siyang bigo. Una ay si Mae na nadiskubre niyang isa palang Lesbian. Pangalawa ay si Denice na habang sila ay napagalaman niyang buntis sa ex-boyfriend nito. Pangatlo ay si Ricci n isang flirt at two timer. Pagkatapos ng lahat ng pagkabigo niya, napagpasyahan niyang huminto na lng muna sa pagaaral at sinabi niya kaagad ito sa kanyang kuya Lhar na nagtratrabaho sa isan malaking call center sa Makati. Ginawa niya ito dahil alam niyang masasayang lamang ang buong semester dahil si Ricci lamang at wala ng iba ang laging laman ng utak niys.

Kahit ganito ang mga kinahinatnan ng kanyang mga naging relasyon, hindi naman niya nagawang isumpa ang mga babaeng iyon. Bata pa naman siya, siguradong madami pang darating babae sa buhay niya. Hindi mapagkakailang gwapo si Wesley. Kamukha niya ang tatay niya. May pagka-espanyol, matangos ang ilong, moreno, matangkad at matikas magdala ng damit.
Habang nakahiga siya, nakita niya ang isang newspaper sa side table. Binasa niya ang kanyang Horoscope: "TAURUS. A good day to start engaging to sports. Optimism might save the day. Yesterday is done and tomorrow might prove to be an improvement of the past. Keeping yourself busy can be therapeutic". Napangiti siya matapos basahin ang forecast of the day niya. Hindi angkop ang unang linya sa horoscope sa kadahilanang wala naman siyang hilig sa sports. Yung pagiging Optimistic ang kinuha niya. Naging malungkutin siya sa mga nakaraang linggo at lahat yon ay dahil kay Ricci. Kinuha din niya ang pangatlong linyang, "keep your self busy". Yon na nga ang kanyang naisip para makalimutan si Ricci.



Nabasa din ni Wesley sa nasabing dyaryo ang isang paanyaya sa isang script writing workshop. Kaagad niyang tinawagan ang numero dito at kaagad din siyang pumunta sa opisina ng nasabing workshop. Siya ay tinanggap Marahil ito ay dahil sa isa siyang Mass Com student. Doon, nakilala niya ang isang magandang babaeng nagngangalang Marrise. Siya ay maputi, may mapupulang labi at pisngi at magandang hugis ng katawan. Siya ay kaagad na nabighani sa babaeng ito at di kalauan ay nagpsayang ligawan ito. Nung una ay hindi naging madali para kay Wesley na manligaw kay Marisse dahil siya ay isang NBSB o "No Bofriend Since Birth". Sa una niyang pagtatapat kay Marisse, walang naitugon ang babae. Inakala niyang walang pagtingin si Marisse sa kanya. Ngunit siya ay nagkamali. Isang umaga habang nagpapahinga si Marisse sa kanilang bahay ay napagnilaynilayn niyang mahal niya ang binatang si Wesley. Nagpunta siya sa Lagoon at doon nakita niya ang binata. Ipinahayag niya ang kanyang tunay na nararamdaman at maiyak iyak na niyakap ni Wesley si Marisse. Hindi na niya nagawang magsalita sa pagkat hindi niya alam kung anong salita ang dapat sabihin para mapaliwanag ang sayang kanyang nadarama.

Pagsusuri

Sa aking nabasa, pormal na maituturing ang istilo ng may-akda na si Not Just Anyone. Gumamit siya ng maraming malalalim na pananalita at umiwas sa mga bulgar na salita. Hindi rin bastos o mahalay ang paglalarawan niya sa ilang eksena na kung sa iba marahil ay sinamantala na upang lalong makapang-engganyo ng mga mambabasa. Ang himig ng kanyang pagsusulat ay pormal sapagkat nasusi niyang pinili ang mag salitang gagamitin upang mas maging epektibo ang paglalarawan ng mga eksena at mas mabigyang buhay ang bawat aktor at aktres. Maayos din ang daloy ng dayalogo sa pagitan ng ilang kalahok sa eksena at maganda ang kumnbinasyon ng mga salita o sintaks kung tuwagin upang mas mapukaw ang puso ng mambabasa.Bukod pa rito ay mabubusog din ang mambabasa sa mahusay niyang paglalarawan ng bawat eksena upang mai-establish ang mood.

Konklusyon at Rekomendasyon
Sa ayaw man natin at sa gusto, marami pa rin ang maeengganyo sa pagbabasa ng mga pocketbooks. Ito kasi ay salamin ng ating mga buhay, ng ating pag-ibig, ng ating dalamhati, ng ating kasiyahan. Larawan ito ng ating kabiguan, ng ating tagumpay, ng ating pagkalugmok at maging ng ating pagbangon. Totoong mababaw ang pocketbooks. Kung tututusin, salamin ito ng pagiging mababaw ng mga Pilipino. Repleksyon din ito na bawat isa sa atin.Patok ang mga pocketbooks dahil na rin aminin man natin o hindi, may bahagi sa atin ang nahihipo ng mga ito. May bahagi sa atin ng nagnanais ng isang prince charming o ng isang prinsesa na maging kasintahan. Mayroon parte ng kalooban natin ang nagnanais ng "happily ever after" :na ending. Kung tutuusin, bawat kuwento ng pocketbook ay isinulat dahil sa akin, dahil sa iyo at dahil sa kanya.Marahil ay kung bibigyan lang natin ng pagkakataon at atensyon ang industriya ng pocketbooks, di malayong umunlad ito. Maaari naman talagang maitaas ang antas ng kalidad ng mga ito. Kung ako ang tatanungin hindi masama ang magbasa nito. Ngunit dapat madebelop ang panlasa ng mg Pinoy sa pagpili ng kanyang babasahin. Mayroong iba na tunay na pang-Palanca habang may iba, masakit mang sabihin ay ni sa panlasa ng isang high school student ay hindi papasa. Hindi lamang dapat pera ang maging habol ng mga naglilimbag ng mga ito.Makapangyarihan nga ang mga tao, at tunay na ikambal pa dito ang teknolohiya, malayo ang mararating niya. Subalit, minsan ay may kapasidad din itong lampasan ang nararapat na kasukdulan at umabuso ito. Tulad ni Dr. Ivanoff, marami ang dahil sa pera, kapangyarihan at kahusayan ay madaling napaglalaruan ang kapwa, maging ang kapaligiran. Lahat tayo ay may talinong taglay na nararapat lamang gamitin ng may buong pagrespeto sa karapatan ng ating kapwa, ng may responsibilidad at buong pag-galang sa bawat nilalang ng Maykapal. Bali wala ang talino kung magiging instrumento ito ng lagim. Imbis na dilim, liwanag ang dapat idulot nito. Imbes na kasiraan, pag-unlad ang nararapat maging epekto nito. At aa halip na kasamaan, kabutihan ang dapat isukli nito.Bilang konklusyon, totoong marami ang nagsasabi na jologs o pangmasa lamang ang pocketbooks. Ngunit kaya natin itong ibangon at gawing mas mayaman...matatas sa pampanitikang istandard. Sino ang makapag sasabi, marahil bukas o sa mga susunod na bukas, ang paborito mong pocketbook ang siya ng kinababaliwan ng lahat at pinipilahan bilang isang blockbuster na pelikula. Dapat ay tumugon din ito sa social values ng lipunan at sa pamantayan ng makabuluhang literatura.Bakit hindi ito gawing bukas sa kritisismo at pag-aaral mga estudyante? O maging ng mga kinauukulan sa mundo na akademya. Dapat ding unawain kung bakit ito binabasa ng mga masa. Hindi naman natin dapat hangarin o asahan na basahin ng mambabasa ang mga gawang pampanitikan na may halong pilosopiya dahil hindi nila ito mauunawaan. Kung ang mga Hapon ay nagawang paunlarin ang industriya ng "Manga," hindi din imposible na mapayabong din natin ang ating Tagalog pocketbooks.Masasabi kong mairerekomenda ko ang pagbabasa ng "Not Just Anyone." Hindi lang sa kadahilanang mahusay at pormal ang pagkakasulat nito. Bumabagtas ito sa mga temang malapit sa mga puso natin bilang Pilipino. Lahat tayo ay umiibig, sa Diyos, sa ating mga magulang, sa ating mga ka-ibigan o kaibigan. Puno tayo ng pagmamahal sa ating katawan kaya naman madaling maintindihan ito. Hindi rin kasi nalalayo sa akin o sa iyo ang ilang sirkumstansya ng kuwento.Hinihipo din nito ang ilang isyu sa lipunan.

1 comment:

  1. hindi gaanong natalakay ang pag-aanalisa sa estilo ng awtor. 92%

    ReplyDelete