
Ang Pelikulang Ploning ay isang Indie Film kung saan si Ms. Judy Anne Santos ang nagproduce at ang pangunahing artista. Ipinapakita dito ang buhay ng mga kababaihan noon sa Cuyunon isang lugar dito sa Pilipinas at ang kanilang pananaw tungkol sa pag-ibig. Ipinapakita ang magagandang kaugalian sa cuyunon at mga tradisyon nila na mahahalaga at importante sa buhay ng tao. Tulad ng fiesta sa bayan ng Cuyunon at Esposada.
Kahit mabagal ang takbo ng kuwento at madaming simbolismo ay mahirap itong hindi pansinin. Marahil ay mapapaisip ka sa mga nais iparating ng director sa kanyang mga manunuod. Ang kuwento ng Ploning ay umiikot sa babaeng nagngangalang Ploning na ginampanan ni Ms. judy Anne Santos at si Dido na kanyang tinataguring anak. Ang kuwento ay umiikot sa paghahanap, paghahanap ni Dido kay Ploning, ni Ploning kay Tomas, ni Celeste kay Tomas and nila kay Dido. Marahil ang kuwento ay pinapalabas modernong panahon, hinaluan ito ng nakaraan din, sapagkat halos Flashbacks ang ipinapakita ni Dido dito. Ito ang ginamit na paraan ng direktor, ang paggamit ng Flashbacks para ipakita ang mga nangyari na nagdulot ng mga kasalukuyang nangyayari.
Hindi maitatago ang husay ng mga napagsi-ganap sa pelikula. Kitang-kita ang husay sa pagbato ng mga linya, at lalo’t na hindi sila mga taga cuyo. Ang husay sa pagbato ng kani-kanilang mga linya ay kitang-kita sa kanilang pagbigkas ng lenguahe an tila sanay na sanay sa pagsasalita nito. Maganda ang pagganap nila sa mga karakter nila.
Ang Ploning may napakagandang tagpuan, ito ay sa isla ng Cuyunon kung saan ay tila isang paradiso. Madaling isipin na may mga tradisyon at na tila probinsiya pa in ang lugar na ito. Maganda ang nais iparating na mensahe ng pelikula at ito ay ang noong panahon na iyon ang mga magkasintahan ay tapat sa isa’t isa at kahit malayo ay tila magkalapit. Ayon nga sa sinabi ni Ploning ”Ang nagmamahal ay nagtitiwala”.
Ang pelikula ay iba sa mga ibang pelikulang nagawa ng mga pinoy. Magagaling ang mga npagsiganap, ang ganda ng lugar at maganda din ang kuwento at direksyon.
Ang kanta bagay sa pelikula, sapagkat sa Cuyunon ang Ploning ay kanta ng isang babae din, malinaw na iikot ang kuwento kay Ploning bilang bidang babae dito. May mga mahahalagang bagay na ibinigay kaagad sa pelikula tulad ng hindi tunay na anak ni Ploning si Dido kundi nanay-nanayan lamang. At meron din mga importanteng bagay na dapat mo munang tapusin ang kuwento bago mong malaman. Nakakatulong ang pambungad na eksena, aantayin mo ang mga palaiwanag sa iyong nakita. Aantayin mo talaga hangga’t hindi pa tapos ang pelikula. Medyo may nagkaroon ng mga Camera tricks sa pelikula, lalo’t na pag magfa-flashbacks, ang takbo ng kuwento ay mabagal, mahirap intindihin ang ilang mga aspeto sa pelikula ngunit pag nagfokus ka malalaman mo ito.
Maganda ang pelikula na ito at maganda para sa industriya ng pelikula sapagkat sa pelikulang ito kaya nitong patunayan na maaaring makagawa ng magagandang pelikula ang mga Pinoy. Ang pelikulang ito ay pang lahatang. Kung bibigyan ng rating ito ay 9 sa 10 puntos. Napakaganda at husay ng pelikula, ng mga napagsi-ganap at ng kuwento nito. Ito ay dapat panuorin ng mga Pilipino sapagkat isa itong pelikula na maipagmamalaki ng ating bayan.
Mahusay ang pag-aanalisa. 94%
ReplyDelete