Tuesday, March 10, 2009


Ang Pelikulang Ploning ay isang Indie Film kung saan si Ms. Judy Anne Santos ang nagproduce at ang pangunahing artista. Ipinapakita dito ang buhay ng mga kababaihan noon sa Cuyunon isang lugar dito sa Pilipinas at ang kanilang pananaw tungkol sa pag-ibig. Ipinapakita ang magagandang kaugalian sa cuyunon at mga tradisyon nila na mahahalaga at importante sa buhay ng tao. Tulad ng fiesta sa bayan ng Cuyunon at Esposada.



Kahit mabagal ang takbo ng kuwento at madaming simbolismo ay mahirap itong hindi pansinin. Marahil ay mapapaisip ka sa mga nais iparating ng director sa kanyang mga manunuod. Ang kuwento ng Ploning ay umiikot sa babaeng nagngangalang Ploning na ginampanan ni Ms. judy Anne Santos at si Dido na kanyang tinataguring anak. Ang kuwento ay umiikot sa paghahanap, paghahanap ni Dido kay Ploning, ni Ploning kay Tomas, ni Celeste kay Tomas and nila kay Dido. Marahil ang kuwento ay pinapalabas modernong panahon, hinaluan ito ng nakaraan din, sapagkat halos Flashbacks ang ipinapakita ni Dido dito. Ito ang ginamit na paraan ng direktor, ang paggamit ng Flashbacks para ipakita ang mga nangyari na nagdulot ng mga kasalukuyang nangyayari.



Hindi maitatago ang husay ng mga napagsi-ganap sa pelikula. Kitang-kita ang husay sa pagbato ng mga linya, at lalo’t na hindi sila mga taga cuyo. Ang husay sa pagbato ng kani-kanilang mga linya ay kitang-kita sa kanilang pagbigkas ng lenguahe an tila sanay na sanay sa pagsasalita nito. Maganda ang pagganap nila sa mga karakter nila.
Ang Ploning may napakagandang tagpuan, ito ay sa isla ng Cuyunon kung saan ay tila isang paradiso. Madaling isipin na may mga tradisyon at na tila probinsiya pa in ang lugar na ito. Maganda ang nais iparating na mensahe ng pelikula at ito ay ang noong panahon na iyon ang mga magkasintahan ay tapat sa isa’t isa at kahit malayo ay tila magkalapit. Ayon nga sa sinabi ni Ploning ”Ang nagmamahal ay nagtitiwala”.



Ang pelikula ay iba sa mga ibang pelikulang nagawa ng mga pinoy. Magagaling ang mga npagsiganap, ang ganda ng lugar at maganda din ang kuwento at direksyon.
Ang kanta bagay sa pelikula, sapagkat sa Cuyunon ang Ploning ay kanta ng isang babae din, malinaw na iikot ang kuwento kay Ploning bilang bidang babae dito. May mga mahahalagang bagay na ibinigay kaagad sa pelikula tulad ng hindi tunay na anak ni Ploning si Dido kundi nanay-nanayan lamang. At meron din mga importanteng bagay na dapat mo munang tapusin ang kuwento bago mong malaman. Nakakatulong ang pambungad na eksena, aantayin mo ang mga palaiwanag sa iyong nakita. Aantayin mo talaga hangga’t hindi pa tapos ang pelikula. Medyo may nagkaroon ng mga Camera tricks sa pelikula, lalo’t na pag magfa-flashbacks, ang takbo ng kuwento ay mabagal, mahirap intindihin ang ilang mga aspeto sa pelikula ngunit pag nagfokus ka malalaman mo ito.



Maganda ang pelikula na ito at maganda para sa industriya ng pelikula sapagkat sa pelikulang ito kaya nitong patunayan na maaaring makagawa ng magagandang pelikula ang mga Pinoy. Ang pelikulang ito ay pang lahatang. Kung bibigyan ng rating ito ay 9 sa 10 puntos. Napakaganda at husay ng pelikula, ng mga napagsi-ganap at ng kuwento nito. Ito ay dapat panuorin ng mga Pilipino sapagkat isa itong pelikula na maipagmamalaki ng ating bayan.

KABUGAN

Ang Teatro Tomasino ay naghandog ng dalawang Dula para mapakita ang ilang kaganapan sa buhay ng tao. Realidad ang ipinakita ng dalawang dulang ito."Kabugan", nagpasiklaban o nagpagandahan ang dalawang dula na “Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon” at “Anino”.“Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon”
“Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon”
Ang unang dula na tungkol sa pagtatagpo ni Babae at Lalaki sa pasyalan- zoo at ang pagiging malapit na pagkakaibigan nila. Ngunit ang lalake ay may selosang asawa na laging nangunguha ng pera at nagpapaulan ng bala. Lumipas ang madaming pagtatagpo sa zoo ay nahulog na ang loob ng babae sa lalaki ngunit napagtanto nila na totoo nga na may asawa nga ito. Natapos ang dula ng walang nakuhang sagot ang babae sa lalaki ukol sa estado ng kanilang relasyon. Nakakainis ang nasabing katapusan.
“Anino”
Ito naman ang pangalawang dula. Ang istorya ng dula ay tungkol kay Luna, isang matandang dalaga na nakahanap ng asawa at namuhay ng tahimik hanggang sa maging kalaguyo niya si Maryo, ang anak ng kanyang asawa. Ang pagtataksil ng dalawa ang nagbunga ng pagpatay ni Maryo sa kanyang ama na kanya naman itinago ng mahabang panahon. Habang si Luna naman ay nangangamba sa totoong nangyari sa pagkamatay ng kanyang asawa, siya ay napalibutan ng kamalasan. Hindi nagtagal nalaman ni Luna ang tunay na pangyayari at binawian niya ng buhay si Maryo.
Sa aking sariling opinyon, Hindi ganbun kaganda ang Dula. Ang unang dula ay kulang sa kahulugan ang kwento at hindi masyadong naihatid ang mensahe ng istorya. Hindi malinaw ang pinaparating nito sa manonood at ang bawat eksena ay kalimot limot.


Kung titignan naman ang pagganap ng mga tauhan, maayos naman ang pag arte ng mga karakter at ang setting ay mukang pinaghandaan. Ang pangalawa naman ay maayos ang premis ng istorya ngunit hindi nila naakit ang manonood ng husto. Maganda ang effects at setting nito, ngunit hindi ko makitaan ng koneksyon ang dalawang dula. Nagbibigay din kasi ng dagdag interes sa mga manonood kung ang kanilang pinapanood ay may koneksyon dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng dahilan para tutukan ang mga kahihinatnan ng istorya.

PAPER: VALENTINE ROMANCE

Not Just Anyone
-Althea Amor

Sinopsis:

“Ang pagmamahal ay nasa tamang panahon at tamang tao” sabi ni Wesley pagkatapos ng pakikipagrelasyon niya sa tatlong babaeng minahal niya na sina Mae, Denice at Ricci.

Nasa ikalawang taon na si Wesley sa kursong Mass Communication. Hindi siya makapag-focus sa kanyang pagaaral. Lumilipad ang isip niya at pilit binabalikan ang insidenteng nangyari sa kanyang third girlfriend na si Ricci. Sa tatlong nakarelasyon niya, lagi siyang bigo. Una ay si Mae na nadiskubre niyang isa palang Lesbian. Pangalawa ay si Denice na habang sila ay napagalaman niyang buntis sa ex-boyfriend nito. Pangatlo ay si Ricci n isang flirt at two timer. Pagkatapos ng lahat ng pagkabigo niya, napagpasyahan niyang huminto na lng muna sa pagaaral at sinabi niya kaagad ito sa kanyang kuya Lhar na nagtratrabaho sa isan malaking call center sa Makati. Ginawa niya ito dahil alam niyang masasayang lamang ang buong semester dahil si Ricci lamang at wala ng iba ang laging laman ng utak niys.

Kahit ganito ang mga kinahinatnan ng kanyang mga naging relasyon, hindi naman niya nagawang isumpa ang mga babaeng iyon. Bata pa naman siya, siguradong madami pang darating babae sa buhay niya. Hindi mapagkakailang gwapo si Wesley. Kamukha niya ang tatay niya. May pagka-espanyol, matangos ang ilong, moreno, matangkad at matikas magdala ng damit.
Habang nakahiga siya, nakita niya ang isang newspaper sa side table. Binasa niya ang kanyang Horoscope: "TAURUS. A good day to start engaging to sports. Optimism might save the day. Yesterday is done and tomorrow might prove to be an improvement of the past. Keeping yourself busy can be therapeutic". Napangiti siya matapos basahin ang forecast of the day niya. Hindi angkop ang unang linya sa horoscope sa kadahilanang wala naman siyang hilig sa sports. Yung pagiging Optimistic ang kinuha niya. Naging malungkutin siya sa mga nakaraang linggo at lahat yon ay dahil kay Ricci. Kinuha din niya ang pangatlong linyang, "keep your self busy". Yon na nga ang kanyang naisip para makalimutan si Ricci.



Nabasa din ni Wesley sa nasabing dyaryo ang isang paanyaya sa isang script writing workshop. Kaagad niyang tinawagan ang numero dito at kaagad din siyang pumunta sa opisina ng nasabing workshop. Siya ay tinanggap Marahil ito ay dahil sa isa siyang Mass Com student. Doon, nakilala niya ang isang magandang babaeng nagngangalang Marrise. Siya ay maputi, may mapupulang labi at pisngi at magandang hugis ng katawan. Siya ay kaagad na nabighani sa babaeng ito at di kalauan ay nagpsayang ligawan ito. Nung una ay hindi naging madali para kay Wesley na manligaw kay Marisse dahil siya ay isang NBSB o "No Bofriend Since Birth". Sa una niyang pagtatapat kay Marisse, walang naitugon ang babae. Inakala niyang walang pagtingin si Marisse sa kanya. Ngunit siya ay nagkamali. Isang umaga habang nagpapahinga si Marisse sa kanilang bahay ay napagnilaynilayn niyang mahal niya ang binatang si Wesley. Nagpunta siya sa Lagoon at doon nakita niya ang binata. Ipinahayag niya ang kanyang tunay na nararamdaman at maiyak iyak na niyakap ni Wesley si Marisse. Hindi na niya nagawang magsalita sa pagkat hindi niya alam kung anong salita ang dapat sabihin para mapaliwanag ang sayang kanyang nadarama.

Pagsusuri

Sa aking nabasa, pormal na maituturing ang istilo ng may-akda na si Not Just Anyone. Gumamit siya ng maraming malalalim na pananalita at umiwas sa mga bulgar na salita. Hindi rin bastos o mahalay ang paglalarawan niya sa ilang eksena na kung sa iba marahil ay sinamantala na upang lalong makapang-engganyo ng mga mambabasa. Ang himig ng kanyang pagsusulat ay pormal sapagkat nasusi niyang pinili ang mag salitang gagamitin upang mas maging epektibo ang paglalarawan ng mga eksena at mas mabigyang buhay ang bawat aktor at aktres. Maayos din ang daloy ng dayalogo sa pagitan ng ilang kalahok sa eksena at maganda ang kumnbinasyon ng mga salita o sintaks kung tuwagin upang mas mapukaw ang puso ng mambabasa.Bukod pa rito ay mabubusog din ang mambabasa sa mahusay niyang paglalarawan ng bawat eksena upang mai-establish ang mood.

Konklusyon at Rekomendasyon
Sa ayaw man natin at sa gusto, marami pa rin ang maeengganyo sa pagbabasa ng mga pocketbooks. Ito kasi ay salamin ng ating mga buhay, ng ating pag-ibig, ng ating dalamhati, ng ating kasiyahan. Larawan ito ng ating kabiguan, ng ating tagumpay, ng ating pagkalugmok at maging ng ating pagbangon. Totoong mababaw ang pocketbooks. Kung tututusin, salamin ito ng pagiging mababaw ng mga Pilipino. Repleksyon din ito na bawat isa sa atin.Patok ang mga pocketbooks dahil na rin aminin man natin o hindi, may bahagi sa atin ang nahihipo ng mga ito. May bahagi sa atin ng nagnanais ng isang prince charming o ng isang prinsesa na maging kasintahan. Mayroon parte ng kalooban natin ang nagnanais ng "happily ever after" :na ending. Kung tutuusin, bawat kuwento ng pocketbook ay isinulat dahil sa akin, dahil sa iyo at dahil sa kanya.Marahil ay kung bibigyan lang natin ng pagkakataon at atensyon ang industriya ng pocketbooks, di malayong umunlad ito. Maaari naman talagang maitaas ang antas ng kalidad ng mga ito. Kung ako ang tatanungin hindi masama ang magbasa nito. Ngunit dapat madebelop ang panlasa ng mg Pinoy sa pagpili ng kanyang babasahin. Mayroong iba na tunay na pang-Palanca habang may iba, masakit mang sabihin ay ni sa panlasa ng isang high school student ay hindi papasa. Hindi lamang dapat pera ang maging habol ng mga naglilimbag ng mga ito.Makapangyarihan nga ang mga tao, at tunay na ikambal pa dito ang teknolohiya, malayo ang mararating niya. Subalit, minsan ay may kapasidad din itong lampasan ang nararapat na kasukdulan at umabuso ito. Tulad ni Dr. Ivanoff, marami ang dahil sa pera, kapangyarihan at kahusayan ay madaling napaglalaruan ang kapwa, maging ang kapaligiran. Lahat tayo ay may talinong taglay na nararapat lamang gamitin ng may buong pagrespeto sa karapatan ng ating kapwa, ng may responsibilidad at buong pag-galang sa bawat nilalang ng Maykapal. Bali wala ang talino kung magiging instrumento ito ng lagim. Imbis na dilim, liwanag ang dapat idulot nito. Imbes na kasiraan, pag-unlad ang nararapat maging epekto nito. At aa halip na kasamaan, kabutihan ang dapat isukli nito.Bilang konklusyon, totoong marami ang nagsasabi na jologs o pangmasa lamang ang pocketbooks. Ngunit kaya natin itong ibangon at gawing mas mayaman...matatas sa pampanitikang istandard. Sino ang makapag sasabi, marahil bukas o sa mga susunod na bukas, ang paborito mong pocketbook ang siya ng kinababaliwan ng lahat at pinipilahan bilang isang blockbuster na pelikula. Dapat ay tumugon din ito sa social values ng lipunan at sa pamantayan ng makabuluhang literatura.Bakit hindi ito gawing bukas sa kritisismo at pag-aaral mga estudyante? O maging ng mga kinauukulan sa mundo na akademya. Dapat ding unawain kung bakit ito binabasa ng mga masa. Hindi naman natin dapat hangarin o asahan na basahin ng mambabasa ang mga gawang pampanitikan na may halong pilosopiya dahil hindi nila ito mauunawaan. Kung ang mga Hapon ay nagawang paunlarin ang industriya ng "Manga," hindi din imposible na mapayabong din natin ang ating Tagalog pocketbooks.Masasabi kong mairerekomenda ko ang pagbabasa ng "Not Just Anyone." Hindi lang sa kadahilanang mahusay at pormal ang pagkakasulat nito. Bumabagtas ito sa mga temang malapit sa mga puso natin bilang Pilipino. Lahat tayo ay umiibig, sa Diyos, sa ating mga magulang, sa ating mga ka-ibigan o kaibigan. Puno tayo ng pagmamahal sa ating katawan kaya naman madaling maintindihan ito. Hindi rin kasi nalalayo sa akin o sa iyo ang ilang sirkumstansya ng kuwento.Hinihipo din nito ang ilang isyu sa lipunan.
YOSI: DALAWANG PISONG KAMATAYAN
Isa itong halimbawa ng balbal na salita. Isang balbal na salita na tumutukoy sa isang bagay na kapag sinindihan ay naglalabas ng usok. Usok na para sa iba, ay nagbibigay ng ibat ibang klase ng pakiramdam. Isa itong bagay na pambisyo. Ginagamit ito sa ibat ibang bagay. Mayroong ibat ibang gamit dito, pantanggal ng pagod, pantanggal ng antok, pampakalma, panandaliang pang alis ng problema, pampababa ng kinain kung ikaw ay busog o di kaya’y pampadumi. Hay, YOSI… Maliit man kung ituring, ngunit wag ka…Ito’y nagbibigay ng ibat ibang pakiramdam sa ibat ibang klase ng tao.
Sa bawat usok na inilalabas nito, kasabay sa paghinga at pagbuga ng mga bunganga ng tao, kakambal nito ay ibat ibang kahulugan. Ibat ibang salita na kung iisipin ay maaaring mga salita na naglalaman at naglalarawan ng ibat ibang istorya sa buhay ng tao. Tila ba isang kaybigan na andiyan para tumulong/dumamay na andyan lang sa bawat pamilihan, kalsada, eskenita, tenga, bulsa at sa ibat-ibang lugar dito sa mundong ating ginagalawan. Parte na ng lipunan, parte na ng mundong ating ginagalawan. Kaybigan nga ba? YOSI, kilala din sa salitang sigarilyo, pausok o para sa akin ay DALAWANG PISONG KAMATAYAN. Tila ba ito’y isang mitsa na kapag sinindihan ay dahan dahang binabawasan o inuubos ang buhay ng isang tao. Ilang hithit, ilang buga. Ganun lang kadali, ganun lang kadaling lustayin ang mga nalalabi nating sandali dito sa mundo. Sa bawat usok na nilalabas natin, sa bawat upos na tinataktak natin, sa bawat dalawang piso! binibili natin ang ating kamatayan. GANUN GADALI, GANUN KAMURA. Ilang hithit, ilang buga, hithit pa! buga pa! hithit pa! buga pa!!! hithit hithit hithit hithit hithit…wala ng BUGA! Wala ng HININGA..=(

Malaya tayo, kasama sa kalayaan na ito ay ang kakayahan para pumili ng mga bagay na gusto natin gawin. Mga bagay na sa tingin natin ay may kakayahang magpaligaya at magpakontento sa atin. Ngunit tandaan lang natin na lahat ng desisyon na ating ginagawa, ay mayroong kapalit. Pwedeng maganda, pwedeng hindi…^_^